Sobrang solid Noy-Mar po ako, I'll support you till the end. I'm always praying na nawa'y ipahintulot ng Diyos na kayo ni Noynoy ang manalo dahil naniniwala ako sa inyong plataporma. Kung sakali man na iba ang ipahintulot na manalo ng Diyos bilang mga lider ng bansa, kaisa pa rin po ako sa mga mamamayang susunod sa mga batas, ngunit lalaban kung kinakailangan.
Lubos ang aking pasasalamat sa inyo dahil muli ninyong binubuksan ang mga mata ng bawat Pilipino tungkol sa mga katiwalian, korapsyon, pandaraya, at iba pang di mabuting gawain ng ibang mga politiko. Ngunit nakalulungkot lang isipin na marami pa ring Pilipino ang naniniwala sa pambobola ng ibang politiko. Kailan ba muling magigising ang mga Pilipino? Kapag naranasan muli natin ang pagkalugmok? Di pa nga tayo nakakaahon, eto na naman at maruming politika ang sasalubong sa atin.
Para sa mga Pilipino, nawa'y makita natin ang tunay na babago sa ating bansa, nawa'y suportahan natin ang tunay na nagsasabi ng totoo at tutupad sa kanilang mga pangako. Wika nga ni Noy at Mar, "Lalaban tayo!" Dahil hindi magagawa ng isa o dalawang tao na ayusin ang gusot, kailangan din nila ng tulong mula sa mga taong nasasakupan nila. hindi natin makakamit ang tunay na pagbabago kung hindi natin pipiliin ang tamang lider na mamumuno sa bansa. Suportahan po natin ang adhikain nila Noy at Mar, labanan natin ang katiwalian, pumanig tayo sa tunay na naninindigan. Mga lider na may takot sa Diyos at malasakit sa kapwa--maging mayaman man o mahirap--, hindi importante kung ano ang estado natin sa buhay, ang mahalaga ay magkaisa tayo dahil iisa ang ating lahi. Tayong lahat ay Pilipino! At simulan natin ang pagbabago sa ating sarili! Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!



























