Forum

To recover your password, enter your information below.
Username: Recover Password
Started 1 year ago by Pinoy10k

Tags:

No tags yet.

OPEN LETTER TO SEN MAR ROXAS-Mall renovation too drastic

(2 posts)
  • Magandang araw po Senador. Kami po ay bumoto sa inyo sa nakaraang elecksyon. Kami po ay para sa inyo. Sana, kayo rin po ay para sa amin.

    May isang mall dito sa Quezon City ang isasara itong September para sa isang major renovation. Hindi namin kinikwestyon ang karapatan ng mga may-ari pero sobrang drastic yata ito. Hindi naman puno ang mall ngayon at halos isang buong floor bakante kaya hindi namin maiiintindihan kung bakit gusto pa rin ng management full-scale renovation. 2 buwan daw ang mall renovation pero iyan ay kung may malilipatan ang mga tenants. Saan naman namin dadalhin ang mga paninda at gamit namin. Hindi kami tyangge lang at karamihan ay may pwesto. Sinisikap namin na makalipat pero mahirap maghanap ng temporaty space o bodega. 12 months pa ang contrata e 2-4 months lang temporary ang kailangan namin. Kahit na as schedule ang start ng mall renovation, 1 lingo ang pagaapprove ng mga construction and electrical plans, 1 lingo ang pagsecute ng mga permits sa city hall, 45 dayas ang store renovation, 4 months ang total at January na kami makakabukas ulit. Parang napakalupit naman para sa mga maliliit na negosyante na sa "ber" months lang bumabawi.Ang buong "ber" months na kami ay masasara.

    Kung sa ngayon ay madaming bakante at kahit doon sa naunang mall na 1 year after renovation ay madami pa rin bakante, hindi kaya lalon lang madaming bakante sa pagbvukas uli ng mall na ito. Sino pa kaya ang maghahabol para sa January? Madami rin hindi makakabalik kasi hindi makayanan ang panibagong store renovation. Yung iban hahanap na ng ibang pwesto para lang kumuita sa pasko.

    4 months din mawawalan ng i\lease income ang mga may-ari kaya nagtataka lang kami kung ill-advised lang sila.

    Kaya sa tingin namin lahat ay talo pwera lang sa contractor. Kung phased renovation kagaya ng ginawa sa naunang mall ay mereretain nila ang monthly lease, kahit na affected ang mga tenants, laht pa rin ay panalo lalo na sa may-ari na P100 million ang lost income sa 4 na buwan.

    Kami po ay bumabawi lang sa mga "ber" months at ang temporary move-out ay napakadugo sa amin kasi mahirap na maghanap ng temporary space ay 12 months pa ang lease.

    Sana po matulungan mo kami. Nirerespeto namin ang karapatan ng mga may-ari ng mall pero hindi namin makita ang logic. Madami ang magugutom.

    Maraming salamt po

    Posted 1 year ago #
  • PS: Malpit na malapit ho ang inyo mga may-ari ng Mall na ito. Paguusapan yata ngayong araw ang changes pero hindi na kami makapaghintay dahi sobrang malalim ang repercussions kung matuloy ang full-scale renovation. Salamat po uli.

    Posted 1 year ago #
  • Reply

    Reply

    You must log in to post.