Press Release

2.6M null votes as VP race hiniling na busisiin

Hiniling ngayon ng Aquino-Roxas Bantay Balota (ARBB) vote protection volunteer group na busisiin ng Kongreso ang 2.6-milyong boto sa pagka-bise presidente na naituring na “null votes” sa automated elections nitong a-diyes ng Mayo.

Ayon kay Atty. Joey Tenefrancia, dapat alamin ng Joint Canvassing Committee kung ano ang nangyari at nagkaroon ng napakaraming “null votes” at kung maaari ay tingnan na mismo ang mga balota o magsagawa ng random manual audit para malaman ang katotohanan.

Ayon kay Tenefrancia, ang mga balotang maaaring naisama sa mga “null votes” na ito ay dahil sa overvoting o sobra o maling pag-shade sa balota, at dahil sa undershading o kulang na pag-shade sa balota.

Pero dagdag niya, hindi maiiwasang isipin na posibleng nagkaroon din ng pagkakamali sa programming ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines at hindi nabasa ng maayos ng mga makina ang mga balota.

Dagdag pa ni Tenefrancia, matatandaang pina-recall ng Smartmatic ang lahat ng compact flash cards ng mga PCOS machines dahil sa nadiskubreng mga mali sa programming ng mga ito. At aniya, sa pag-reprogram ng CF cards na ito ay naapektuhan na ang pagbasa sa mga boto para sa iba pang posisyon, tulad ng sa Bise-Presidente.

Bukod pa roon, sa pag-aaral ng ARBB ay makikitang napakataas ng bilang ng “null votes” sa mga lugar kung saan maituturing na malakas si Senador Roxas. Halimbawa, mahigit 500,000 na ang naitalang “null votes” sa Region 6 at 7 na mga kilalang balwarte ni Roxas,

Ayon kay Tenefrancia, malaki ang epekto ng napakaraming “null votes” na ito sa karera sa Bise-Presidente pero hindi sa Pangulo dahil sa napakalaking lamang ni Senador Noynoy Aquino sa mga katunggali niya.

Share this
  • Facebook
  • Twitter
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Tumblr
blog comments powered by Disqus