Press Release

6 reps ng Northern Alliance, 2 alkalde inindorso si Roxas

Anim na kinatawan mula sa Northern Alliance ng House of Representative at dalawang alkalde ng malalaking lungsod na regional centers sa Visayas at Mindanao ang nagpahayag ngayon ng solidong suporta sa kandidatura ni Liberal Party President at vice presidential race frontrunner Manuel “Mar” Roxas II dahil sa kakayahan nitong makatulong para lalong mapaunlad ang bansa.

Ang pag-endorso ng anim na mambabatas at dalawang alkalde mula sa Sagay City, Negros Occidental at Zamboanga City sa kandidatura ni Roxas ay ang pinakabago sa listahan ng mga aktibong opisyal na nagnanais makamit ang tunay na pagbabago sa pamahalaan sa pamamagitan ng epektibo at malinis, matuwid, at matapat na pamamahala.

Ang mga mambabatas na suportado si Roxas ay sina House Deputy Speaker for Northern Luzon and Ilocos Sur 2nd District Rep. Eric Singson, Pangasinan 6th district Rep. Conrado Estrella III, Rep. Robert Raymund “Eskimo” Estrella ng Abono party list, Benguet lone district Rep. Samuel Dangwa, Rep. Jose Ping-ay ng Cooperative-National Confederation of Cooperatives (COOP-NATCO) at Rep. Ernesto Pablo ng Association of Philippine Electric Cooperative (APEC) party list.

Ang dalawang alkalde naman ay sina Celso Lobregat ng Zamboanga City at Alfredo Maranon ng Sagay City, Negros Occidental.

Kumbinsido ang mga mambabatas ng Hilagang Luzon sa kakayahan ni Roxas na mapapangalagaan nito ang kapakanan ng mga Ilokano partikular sa pagpapa-unlad ng sektor sa turismo, agrikultura, export processing zones at ang pagbuhay sa ekstensyon ng North Luzon Expressway.

Para naman kay Mayor Maranon, inamin niya na malaki ang maitutulong ni Roxas para paunlarin ang produksyong agrikultural ng Sagay City at pati na rin ng mga coastal towns sa Negros Occidental na magbibigay-daan para makalikha ng maraming trabaho at dagdag na kita sa mga residente.

Inaasahan din ni Mayor Lobregat na sa tulong ni Roxas ay lalo pang sisigla ang ekonomiya ng Zamboanga peninsula.

Share this
  • Facebook
  • Twitter
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Tumblr
blog comments powered by Disqus