Press Release

Atienza tsinugi ng Korte Suprema

Dobleng dagok ang inabot ni dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary Jose “Lito” Atienza makaraang kilalanin ng Supreme Court si Senador Manuel “Mar” Roxas bilang tunay at nag-iisang pangulo ng Liberal Party (LP).

Noong nakaraang linggo ay sinopla din si Atienza ng Commission on Elections sa ipinalabas nitong “Certified List of Candidates for Congressional and Local Positions” para sa NCR-Manila kung saan idineklara ng Comelec si incumbent Manila Mayor Alfredo bilang opisyal na kandidato ng LP sa lungsod.

Iginigiit ni Atienza na iligal ang pagpapatalsik sa kanya at ilan pang dating miyembro ng LP. Naghain pa nga siya ng petisyon sa SC para ipawalang bisa ang pagkakahirang kay Roxas bilang LP president kapalit ni dating Senate President Franklin Drilon.

Sa 18-pahinang en banc decision ni Associate Justice Roberto Abad, nagkakaisang bumoto ang mga mahistrado para ibasura ang petisyon ni Atienza.

Ayon sa SC, hindi nagmalabis ang Comelec sa ipinalabas nitong resolusyon noong June 18, 2009 na nagsasabing lehitimo ang pagkapanalo ni Roxas sa National Executive Council (NECO) meeting na ginanap sa Manila Hotel noong November 26, 2007.

Share this
  • Facebook
  • Twitter
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Tumblr
blog comments powered by Disqus