Press Release

Batikos ng kalaban ni Roxas asahang lalong titindi, iingay – LP

Low survey ratings ng mga kalaban ang dahilan

Nagbabala ngayon ang isang opisyal ng Partido Liberal sa publiko na asahang mas titindi pa ang batikos ng mga katunggali ni Senador Mar Roxas na pambato ng LP para pangalawang pangulo sa darating na Mayo 10.

Panahon uli kasi ng buwanang surveys na ginagawa ng mga polling firms para sa parating na eleksyon at dalawang buwan na lang ang nalalabi bago ang May 10 national at local elections kaya dinadaan sa gulatan ng mga kalaban ni Roxas ang kanilang estratehiya para maka-score sila at tumaas ang kanilang mga survey performance, ayon kay LP Director General Chito Gascon

Nangunguna si Roxas, gaya ng kanyang kandidato para sa Pangulo na si Senador Benigno S. Aquino III, sa mga pre-election surveys simula ng i-deklara nilang dalawa ang kanilang intensyong tumakbo bilang pangulo at pangalawang pangulo sa halalan sa Mayo 10.

Base sa mga pinakahuling survey, umabot ng halos sampung porsyento  ang lamang ni Aquino sa kanyang mga karibal sa panguluhan samantalang halos bente porsyento naman ang lamang ni Roxas sa mga katunggali niya sa halalan para sa pangalawang pangulo.

Bagama’t naiintindihan ng kampo ni Aquino at Roxas na dahil sa mababa nilang survey ratings kaya nagkukumahog ang mga kalaban nila, wala man lang originality at panay recycled na isyu na ang binubuhay ng mga kalaban ni Roxas sa tindi ng kanilang takot sa mataas na rating ni Roxas, ayon kay Gascon.

Inihalimbawa ni Gascon ang paulit-ulit na panawagan ni Legarda na mag-debate sila ni Roxas ganoong matagal nang nagkumpirma sa naturang debate si Roxas gaya ni Legarda sa TV network ABS-CBN kaya malinaw na isang taktika na lang ito ni Legarda na makakuha ng free media space lalo na’t halos bente puntos ang hahabulin niya kay Roxas.

Ganoon din ang tingin ng kampo ni Roxas sa isyu ng VAT na nanggaling naman kay Makati Mayor Jejomar Binay na mas malayo ang agwat kay Roxas sa mga surveys.

Matagal nang alam ng taumbayan na si Roxas ay naging mahigpit na tagasuri ng gastusin ng gobyerno sa Senado at naging matinding kritiko din ng anomalya sa gobyerno para sulit ang mga naipasa ng Kongreso na mga buwis, ayon kay Gascon.

Sa totoo lang ay si Roxas ang may panukalang tanggalin ang VAT sa mga produktong langis para bumaba ang presyo ng gasoline sa bansa at siya din ang pangunahing awtor ng batas na nag-exempt sa pagbabayad ng buwis sa mga minimum wage earners, kaya ang payo ni Gascon sa publiko ay maging wise na sila sa pagpili ng kandidato nilang iboboto at iwasan ang mga kandidatong may record ng pagiging political butterfly at ‘di tapat sa kanilang prinsipyo.

Share this
  • Facebook
  • Twitter
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Tumblr
blog comments powered by Disqus