Press Release

Masiglang RP exports sa global coffee market, ibabalik ni Roxas

Tiniyak ngayon ni Vice-Presidential race frontrunner at Liberal Party candidate Senador Mar Roxas na muling mamayagpag ang Pilipinas sa global coffee market sa ilalim ng isang Aquino-Roxas government.

Inihalintulad ni Roxas sa kape ang mapait na karanasan ng mga magsasaka sa mga nakaraang dekada na kinailangang isantabi ang pagtatanim ng kape dahil hindi sapat ang suporta sa kanila ng gobyerno.

Kaya naman tiniyak niya na sa ilalim ng Aquino-Roxas government ay bibigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka ng kape para muling mapalago ang kanilang produkto, lalo na ang high-value coffee blends na ini-export sa ibang bansa.

Mula sa 127,000 metric tons sa nakalipas na 20 taon, bumaba sa 97,428 noong  2008 ang coffee production base sa mga datos ng gobyerno. Maging ang mga taniman ng kape ay bumaba sa 70,000 hectares mula sa 130,000 hectares, ayon sa Cavite State University.

Ayon sa dating DTI Secretary na si Roxas, talagang hindi magtatagumpay ang mga magsasaka kung ang inaatupag ng mga lider ay puro sariling interes, kaya sineguro niyang hindi mangyayari ito sa ilalim ng Aquino-Roxas government.

Share this
  • Facebook
  • Twitter
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Tumblr
  • Juncap1000

    e sa Aquino-Binay government – magkakape ka pa rin ba?

blog comments powered by Disqus