Press Release

Noy-Mar panalo sa buong bansa, ayon sa Pulsa Asia

Mayaman, mahirap bilib sa LP tandem

Patuloy ang pamamayagpag nila Liberal Party standard-bearer Noynoy Aquino at Mar Roxas bilang susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng ating bansa, base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na ginawa noong isang buwan.

Sa pag-aaral na ginawa ng Pulse Asia mula Marso 21 hanggang 28 sa 3,000 respondents, umarangkada ang pangkalahatang rating nila Aquino at Roxas, na nakakuha ng 37 na porsyento at 43 porsyento bawat isa. Ang kandidato ng Nacionalista na sina Manuel Villar at Loren Legarda ay pumangalawa lamang muli sa ratings na 25 porsyento at 23 porsyento bawat isa.

Sa NCR, pinakain ng alikabok ni Aquino si Villar matapos na makuha nito ang 42 porsyento boto ng mga respondents, kumpara sa nakakahiyang rating ni Villar na 17 porsyento lamang samantalang si Roxas naman ay nakakuha ng mataas na 40 porsyento sa NCR, kumpara sa nakuha ni Loren na 15 porsiyento lamang.

Si Aquino ay pinili din ng 33 porsyento ng respondents mula sa Luzon; sa Bisaya, 41 porsyento; at sa Mindanao, 37 porsyento.

Hindi rin nagpahuli si Roxas na nakakuha ng mataas na 39 porsyento sa Luzon; 51 porsyento sa Bisaya; at 45 porsyento sa Mindanao.

Nakuha din nina Aquino at Roxas ang loob ng lahat ng sector ng lipunan, mula sa Class A, B at C hanggang sa D at E. Ayon sa survey, si Aquino ang iboboto bilang pangulo ng 49% ng class A, B, at C; 37% ng class D; at 34% ng class E.

Si Roxas naman ang iboboto bilang pangalawang pangulo ng 54% ng Class A, B at C; 43% ng class D; at 40% ng class E.

Share this
  • Facebook
  • Twitter
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Tumblr
blog comments powered by Disqus