Q and A with Senators Aquino and Roxas in Balay, Cubao
Q: Kakatapos lang ng press conference ng NP. Ayaw nilang tantanan na magpasailalim kayo sa psychiatric evaluation at medical assessment. Secondly hindi lang confined sa NP, even Bishop Iñiguez and some other sectors have said that the other candidates should undergo medical and psychological examination and grupong “GOD” has asked for lifestyle, action, supporters, election conduct reputation assessment, they call it LASER exam para kumbinsihin ang publiko na your lifestyle ay hindi extravagant.
NOYNOY: If you don’t mind, Sec. Abad is compelled to answer all of those questions.
BUTCH ABAD: Yung issue ng bogus at pekeng psychiatric report… that is a complete fabrication. Bogus talaga yan at sinabi na ni Fr. Tito Caluag na wala siyang kinalaman hindi siya pumirma niyan. Sinabi ng Ateneo Psychology department na hindi sila nag iissue ng certificate. In fact sinabi ng ABS-CBN na yung source nila sa report na yan ay yung kampo ni Sen. Villar. Logical e nung una silang nag press conference, ang tema nila ay yung TOPAK. Siyempre kailangan nilang patunayan ang topak kaya naglabas sila nitong bogus na certification. Ayaw nilang aminin na bogus ang certification. Kaya dapat yung kampo ni Sen.Villar mag submit to a lie detector test, hindi psychiatric test. So tapos na yang issue na yan, walang katotohanan.
Q: Even Bro. Eddie Villanueva had said that all candidates should be submitted to a lie detector test. Payag po ba kayo don?
NOYNOY: Natatawa na lang ako noh. Kami lahat humahabol na maging pangulo ng republika eh. Intindihin natin yung mga problema ng estado hindi itong mga nanditong trivialities lahat ng non issues ang pinapatulan. Tapos yung problema natin sa automation tulad na hindi na na-examine yung source code by anybody. Yun ba hindi ba importante yon? Nag aaksaya tayo ng oras dito. Yung sanity Nandun sa pano mo tinatanggap yung realidad. May pekeng report, sinabi na ng lahat na ina attribute na fake yan, tapos merong isang nag iinsist na sagutin mo yan. So yung fake hindi nga totoo, may namimilit na gawing totoo ang hindi totoo. Sino kaya ang dapat magpa examine na pinipilit yung naputanayan nang hindi totoo. Ayaw niyang matanggap yung reality na fake nga yun. Baka naman alam nila to begin with na fake yon? Bakit naman niya tayo gustong imbitahin na sumama sa kanya sa mundo na kailangang tratuhing totoo ang fake. Pasensyahan na lang po noh hindi po makakasang ayon na makasama sa kanya don. Yun namang lie detector test, lifestyle check wala naman tayong problema diyan. Ang problema lang dito daanan natin lahat ng mga yan, magsama pa ng sangkaterbang side issues, pano po ang central issues? Pano na ang nangyayari sa mga kaso ng Ampatuans for instance? Habang papalapit ang eleksyon parang parami nang parami na unti unti nawawala na ang mga kaso sa kanila. Meron pang mga abogadong nagsasabi na yung non bailable aspect for murder has a condition. Yung condition is where evidence of guilt is strong. Alam naman natin na merong isang witness na nag retract, meron isa na napaslang naman yung kapatid. Pero yun hindi rin natin iintindihin? Pagkatapos niyan na drop na yung rebellion charges. So meron naman bang mangyayari sa Maguindanao at sa ARMM pagkatapos niyan. Pwera pa yung hustisya sa lahat ng namatay.
Bakit ba lahat nitong katunggali natin masyadong fixated. Pare pareho tayong magiging apektado kung ang eleksyon natin ay magiging credible, kung hindi magiging matino. Pero hindi yata nagsisipag ang lahat tungo sa maniguradong maayos ang eleksyon. Pakiusap ko ho sa kanila na matindi baka pwede na isantabi muna ang personal na interes at tignan ang interes ng nakararami. Salamat po.
Q: Reaction on the latest SWS survey. NP is bragging about the 1% increase.
NOYNOY: (Laughs) The fact is they’re still number 2. After everything has been said and done, they are not just number 2 but the gap has widened amongst all of the credible surveys. We expect that to even become even wider in the coming days. You cannot just say that you’re eating up number 3, siguro kung may kredito don, hati kami. Sa ginagawa nilang kabulastugan, ay talagang pababa sila nang pababa. Lalo na yung pag iinsist niya sa mga script nila na hindi pumapasa sa anumang telenobela, ay talagang ganon ang mangyayari. Ngayon pa lang ho ay pinapasalamatan ko na sila at talagang pinapakita nila kung gano katino ang kampanya namin.
Q: Just want to know if you are aware about a certain Atty Enverga who was the alleged source of this fake medical report that came out. I just saw it in one of the Internet sites. Can you clarify or confirm?
NOYNOY: Of course Enverga is a family name known to us, in Quezon in particular. Pero hindi ho yata attorney yon. Yung Atty Enverga na yan, I don’t know him.
Q: While you have Cong. Gonzales and Golez, may reports na pati si Cong. Nograles and 40 other political leaders are joining the camp of Sen. Villar.
NOYNOY: Siya po ay Speaker of the House, siya ay number 4 sa hierarchy, the highest position I think held by a Lakas member apart from the presidency. Lakas has issued a statement of rallying behind my cousin (Teodoro) and then you have a statement from their highest ranking official apart from the president joining another camp. Normally that would be a very very serious blow to the administration party. I understand he is not being castigated publicly for doing that act. Is that tantamount to saying that going to Gibo or Villar is okay with the Palace?
ROXAS: I think that just over the last three days, nakita natin na talagang bumubulusok na ang pagpunta ng mga leaders para kay Sen. Noynoy. Nung isang gabi, in a crowd of nearly 100,000 sa Davao City, si Mayor Duterte, his daughter Sarah, 3 congressional candidates of the 3 districts of Davao City, all of their councilors, buong buo na tinaas nila ang kamay ni Sen. Noynoy. So malakas na malakas po, matibay na matibay na mga kakampi yan. Kinaumagahan, pumunta kami sa Surala, Tupi, Polomolok, Koronadal, all the way to GenSan. So the entire Cotabato, si gubernatorial candidate Dinan Hernandez, congressional candidate Jun Acharon, who is currently the mayor of GenSan, the mayoral candidate who is the only person who to have knocked out Manny Pacquiao, congresswoman Darlene Antonino Custodio, also all raised the hand of Sen. Noynoy Aquino. And today you have one who basically has no opponent in Mandaluyong, also another who has no opponent in his district in Parañaque all coming to support Noynoy Aquino. So para sa amin ay mga quality leaders ito, quality supporters. Nagpapasalamat po ako na sila’y pumapanig kay Sen. Noynoy Aquino at palagay ko’y ito ay umpisa pa lang dahil napakarami pa po ay nagpaparamdam na gusto nilang sumali at ito ay isa isang tatalakayin.
Q: Sa tingin nyo ang isa isang pag alis sa Lakas-Kampi ay patunay na parang nagkamali ng desisyon ang inyong pinsan sa pagsali sa Lakas-Kampi?
NOYNOY: Pwede bang hindi ko na lang sagutin yan? Pinsan ko rin naman siya maski papano hindi ba? Tapos hindi rin maganda ang sitwasyon niya ngayon, tapos parang, pano ba ang expression diyan… nakadapa, parang yuyurakan mo pa. Hindi ko naman siya kalabang personal, bakit ko naman siya ipagdidikdikan na ganyan. Kaming dalawa ay nagkausap minsan sa Tarlac medyo matagal tagal na tungkol sa kanya kanyang plano. Ginagalang ko ang desisyon niya. Iba ang pinagmulan niya, iba ang pinagmulan ko. Baka iba ang direksyon namin sa patutunguhan pero nag desisyon siya, lalake naman siyang tanggapin ang consequences ng kanyang desisyon at ako rin naman ay handing harapin ang consequences ng aking desisyon.
Q: (inaudible) …it may be attributed to the mudslinging at nawawala na sa issue ng balitaktakan especially between LP and NP.
NOYNOY: My numbers have remain solid I think there has been some gain I think 1 percentage point plus. Ang focus namin talaga ngayon especially on the last of the campaign is clarify what the problem is and present all the solutions. For instance, sa health, I keep on précising that PhilHealth should be funding all of the health programs… serves only 38% of the population. Our experts tell us that in complying with the law, we can effect a 100% coverage within three years. Tama na pamamalakad, sundin lang natin ang batas, ayusin ang tiwala sa PhilHealth. Within three years, universal health coverage on both in-patient and out-patient. We really cant help but solve the problems we are currently having. May mga reports ng last minute transactions sa government. Among them yung modernization ng AFP. We have a report that multi-year modernization has been entered into by the current administration and the sums are staggering. Talagang they are times 10 on what has already been spent on modernization and without giving due cognizance of the fact that we have such a massive deficit to begin with. Just one department might double already in effect that obligations of the deficit. Various other departments are also undertaking the same. This has to be addressed now. People are made aware of so that corrective actions down the line can take effect at the soonest possible time.
What I’m trying to stress is, they are not getting from our numbers, they are getting from our opponents’ numbers, if I read the surveys correctly, and indicative of how tenuous their support basis is. And we hope to get those who have shifted to undecided. We will deliver our message to them in the hopes of really getting them on board.
MAR: Dagdag ko lang noh, sino ba ang nagma mudsling? Ni minsan ba may lumabas sa bibig ni Sen. Aquino na kahit anong maitim na pananalita o maanghang na pananalita? Sino ba ang nagsabi ng TOPAK? Isang senador, incumbent, lider ng NP. Sino ba ang mahigit sa isang oras sa istasyon ng isang radyo, nandun siya personal DZMM pinipilit nang pinipilit parati ay yung pekeng report na ito. Sino ba nagma mudsling dito? peke yung report, peke yung pagka-opposition. Peke yung pagsanib sa NPC dahil si Mark Cojuangco mismo nagsabi na unilateral ito. Si Darlene Antonino Custodio mismo nagsabi walang konsultasyon ito, gawa-gawa lang ng ilang tao sa NPC. hanggang ngayon hindi pa niya naipapaliwanag ang pagbaluktot ng kalye sa C-5. Yun hindi mga pekeng dokumento yon, totoong dokumento yon sa DPWH, totoong kalye yan. So gusto ko lang ilinaw sa konteksto natin, gusto kong ilinaw, kita po ng mga kababayan natin kung sino ang nagtatapon ng putik, mga walang kabuluhang issue na wala namang basehan. Yan ang dahilan king bakit talagang matibay at matatag ang suporta kay Sen Noynoy Aquino at inaasahan namin na lalong lalakas pa.
Idadagdag ko lang, kaninang umaga, witness si Ricky Carandang, si Gov. Junjun Ynares ng Rizal nagtaasan ng kamay with Sen. Aquino. So isa na namang gobernador yan ng Rizal na talaga namang hinahangaan ng kanyang mga kababayan. Para sa amin maganda ang takbo ng kampanya, ang paninirang ito di magdi-distract sa amin. Naka-concentrate kami sa pagpepresinta ng plataporma sa ating mga kababayan dahil gusto talagang makatanggap ng malinaw na mandato si Sen Noynoy kasi hindi made deny na lahat ng reporma, kahit anong reporma at pagbabago ay mangangailangan ng widespread supprot mula sa tao. Kasi ang reporma ibig sabihin gigibain mo ang masamang kalakaran ng nakaraan at maglalagay ng panibagong, mas magandang pamamalakad. Eh yung mga nakikinabang sa kasalukuyang kalakaran, talagang hahadlangan nila ito. Yan ang dahilan kung bakit naka-concentrate si Sen Noynoy sa pagprisinta ng kanyang plataporma para maisulong niya itong mga pagbabago.
Q: Ano ang magiging move ng LP sa dominant minority party?
NOYNOY: Magpa-file po kami ng motion for reconsideration at pagkatapos po niyan kung kami ay matalo ay hahabol kami sa Supreme Court para sila ang tumalakay sa issue. Mailagay man lang natin sa record. May deadline, nilampasan yung deadline biglang pwede. Gumawa ka pa ng deadline na pwede naman pala lampasan at baguhin yung sitwasyon. Kasi kung ganon ho, marami hong gustong makipag alyansa sa aming ibang partido, eh di lalo naman kaming magpapakita ng numero namin. Siguro kung kami naman ang nag file sasabihin lack of material time na. Yung batas dapat patas. So palagay ko naman ho nademonstrate namin as a singular entity, nag comply sa lahat ng requirements. So hindi pa ho tapos ang boksing diyan.
Q: Hindi na ba magbabago ang isip nyo na tanggapin ang hamon ng NP na sumailalim sa psychiatric test kung wala naman kinatatakot?
NOYNOY: Bakit ang hilig nyo hong sumali sa script nila? (inaudible). Ngayon ay parang ganun ang minumungkahi satin eh. May ganung report, pinabulaanan na ng lahat ng sinasali don, tayo naman ay sasama sa pagtalakay ng isang bagay that doesn’t exist. Ang kailangan ko hong I-focus dito, bakit sa stress na campaign, bakit itong mga katunggali natin ipinipilit tayo na paniwalaan ang hindi totoo. Baka kailangan nila ng assistance to repair their mental health, we will gladly escort them and get them competent help. I really wanted to make this appeal, yung SC andaming desisyon na ang hirap intindihin, yung batas ang gulo na ng interpretasyon ngayon. Yung automation, yung peaceful transition into the next administration inaasam asam nating lahat yan, pero yung mga balakid para ma attain yon parang binabalewala natin at hindi tayo interesado. Yung pianpasukang kaliwa’t kanang kontrata na lalong magbabaon sa atin sa utang, na lalong magbabawas sa ating tugunan ang lahat ng pangangailangan ng ating mga kapatid. Bakit ho lahat iyan hindi natin pinapansin? Bakit kailangang magbasa ng isang pekeng dokumento na walang base? So lahat ho tayong sumasang ayon sa kanilang mga mungkahi eh maghinay hinay ho tayo.
Q: May inaasahan pa bang other black propaganda?
NOYNOY: Para ka namang researcher ng kalaban ko, sa totoo lang. My mother died, my mother has been alluded to seeking a psychiatric help during the martial law years. My mother has been the source of strength by our family and a lot of Filipinos I think. Majority of Filipinos for a long time has been besmirched. There are no limits. Taong patay niyurakan na, si Baby James nagpapatawa ako dati na baka gamitin, nangyari na, lolo ko pong namatay 1948 di ko naman nakilala binanatan na rin. Pwede bang may limit kung ano ang gagawin nila? Sabi ko nga siguro baka pagdating ng araw sabihin yung diploma ko sa Ateneo fake, binili ko sa Recto ang nagsama sakin don si Ralph Recto. Bakit don kayo magpo focus? Yun na ba yung issue na ilalabas? Pinipilit nila yung SCTEX, hanggang ngayon walang klarong akusasyon. Pakiusap ko lang ho, yung media naman po kasama natin na naghuhubog ng opinyon ng tao. Ngayon itong issue na ito, san nagmula ang issue, sa text. San galing ang text, kadalasan anonymous, sino author kino-quote yung text. Hindi ho ba basic na basic yon kailangan ma attribute yung story to somebody. Walang attribution sa kanila pwedeng mailathala. San na ho tayo tutungo non?
Q: Report sa OAV may pumalpak na machine sa HK, ang report kasalanan ng hamog. Is this a cause of concern for LP?
NOYNOY: Dapat concern yan sabi ng Comelec they are ready. The second machine rejected the ballots that were rejected by the first machine. But on the third try they were accepted. San ho nagbago? Ang bilis naman yata matuyo ng hamog? Sana walang remote control yon na biglang bumukas yung gate. Pero at the very least, may claim na nga that they are ready but this demonstrated that they are not. And they are fastracking the backup plans and publicizing the same should be done already. Issues namin na yung audit, audit na 2weeks at within 48hours malalaman ang resulta pero kung ichecheck kung tama ang pag transmit ang proposal two weeks after. Anong silbi pa ng audit? At may magtatapang pa bang ilabas ang audit na yon dahil paglabas ng audit na yon meron ng panalong lumabas sa eleksyon na to. Mali ho eh. Lalong nakatutok ang taumbayan na paalala sa Comelec, powerful kayo ngayon, kami dapat ang nasusunod dito. Interes namin ang pangalagaan nyo.
MAR: Gusto ko sanang punahin ang attitude ng Comelec na maliitin itong mga failure na ito. Sasabiihin nila ‘hindi 2% lang ito, 5% lang ito, 10% lang yan’. Hindi po. Dapat po maging mahalaga ang bawat boto. There are more than 50 million registered. Ang sinasabi nila 80% will vote, so there’s 40 million who will vote. Bawat isang Pilipino, yan at yan din ang kanyang boto. Hindi pwede na balewalain yan at sabihing kasama ka diyan sa 5% na yan na may failure. In fact may memo ang Comelec sa kanilang mga tao mismo na nag eexpect ng 30% failure of the PCOS. Ano’ng ibig sabihin niyan? Parang okay lang na isa sa bawat tatlo ang hindi umandar. Isipin po natin na parang eroplano ito. Kung kayo po ang nakasakay sa eroplano na yan, isa sa bawat tatlong piyesa o isa sa bawat tatlong makina ng eroplano ay pumalpak, tatanggapin nyo po ba yan? Okay lang ba yan? Hindi po. At yan po ang nakasalalay dito. Baka po mag crash ang demokrasya dito. It must work 100%, it must be 100% reliable. Wag po nating tanggapin na ‘ay hindi 5% lang naman yan.’ Kung gumagawa tayo ng cake, baka pwede ganon. Kung gumagawa tayo ng sandwich, baka pwede ganon. Pero hindi po. Parang eroplano ito. Kailangan lahat umaandar, kailangan lahat reliable kasi kung may pumalpak diyan, magka crash yan. Ganon po itong halalang ito. Wag po nating tanggapin na may pumalpak na is, dalawa o kahit ilang porsyento.
Q: Considering Fr. Caluag is with ABS-CBN, do you think ABS-CBN should apologize for the unverified report?
NOYNOY: Alam nyo tinanong ko na lang po yung nag interview sa akin sa Nueva Ecija. Kako wala akong access kay Fr. Caluag kayo may access. Kung galing sa text ito o sa mga blog na anonymous, may pagkakataon kayong matanong nang diretso ang mga tao. Baka naman ho ganun ang gawin nyo. Minungkahi ko lang naman po yon. Baka naman po makakilos afterwards, kakayahan lang naman natin ang magmungkahi. Nagkukumbinsi ho tayo.



































