Roxas panalo sa UP-Mindanao mock polls
Napahiya ang mga nagsasabing walang makukuhang boto sa Mindanao si Liberal Party vice presidential candidate at survey frontrunner Senador Mar Roxas nang muli siyang mamayagpag sa isinagawang mock polls ng mga estudyante ng University of the Philippines-Mindanao.
Sa UP-Mindanao mock poll, 77.8% ng mga estudyante ang bumoto kay Roxas; at pinaghati-hatian ng kanyang mga katunggali ang kakarampot na natira.
Malayong pumangalawa kay Roxas si Makati Mayor Jejomar Binay ng Partido ng Masang Pilipino na nakakuha ng 11.1%; at parehong 4% ang nakuha nina Senador Loren Legarda ng Nacionalista Party at ni Edu Manzano ng Lakas-Kampi-CMD.
Si Roxas ang lumilitaw na pambato ng mga kabataang Pinoy sa pagka-bise president kung pagbabasehan ang mga isinagawang surveys sa iba’t ibang unibesidad sa buong bansa kung saan nagposte siya ng double-digit lead sa kanyang mga kalaban.
Sa UP Diliman poll, nakakuha si Roxas ng 40% boto kontra sa 13% lang ni Legarda at 12% ni Binay; CEU-Malolos, Roxas-56%, Legarda at Binay-13%; Holy Angels University, Roxas-64%, Legarda-23%, Binay-8%; Catanduanes College, Roxas-44.17%, Legarda-23.99%, Binay-6.14%; Negros Oriental State University, Roxas-49.17%, Legarda-22.68%, Binay-15.5%; at University of Mindanao, panalo si Roxas na nakuha ang boto ng 46.6% ng mga respondents.



































