Press Release

Transcript of Ambush Interview

On GMA’s secret candidates:

Q: Kung si Villar daw po ang secret candidate ni Arroyo for president, kayo daw po ang secret candidate niya for Vice President. MARroyo nga daw po ang tawag.

MAR: Ganun? Kita naman po na pilit na pilit. Talaga naman siguro, desperadong-desperado na ang ating mga katunggali. Intindihin na lang po natin sila. Unawain natin sila. Mahirap po ang sitwasyon nila.

Q: Ano po ang nakikita niyong dahilan nito? Gusto ba ho kayong pag-awaying ni Noynoy?

MAR: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila, kung ano ang layunin nila. Wala naman talagang kabuluhan ito. Walang katuturan ito. Bakit pa bibigyan ng kahit anong kahalagahan?

Q: Do you think this will affect your relationship with Noynoy?

MAR: Not at all.

Q: Sir, sinabi po kasi sa text na parang kinakawawa na daw sila.

MAR: Natutuwa ako sa antas ng diyurnalismo sa Pilipinas ngayon. Na ang text message ngayon ay tinutukoy na parang katotohanan na.

Q: Sino sa tingin niyo ang nasa likod nito?

MAR: Hindi ko na po alam. Hayaan na lang po natin sila. At kung ako ay isang investigative journalist, kukunin ko po ang telephone number na yun, iprepresenta ko, pormal ko pong hihingin sa Smart, sa Globe, o sa Sun, kung saan ba nanggaling ito. Dahil talaga namang walang kabuluhan ito at lagpas na nga ng tamang panahon na pagbigyan natin itong issue na to.

On candidates leaving parties:

Q: Dun po sa pag-alis po ni Nograles sa Lakas?

MAR: Magandang development po para sa amin yun. Talagang nagsama-sama na. Talagang napapatunayan yung Villaroyo, di po ba? Alam namin natin kung sino ang pinakamalakas na impluwensiya sa paggawa ng isang speaker. Di ba ang pangulo? E kung talaga naman may control ang pangulo sa kanyang mga kasama sa partido, e bakit nangyayari ito? Tayo naman talaga ay naniniwala na kontrolado ng pangulo ang mga galaw ng mga itong taong ito, at nagpapakita lamang ng totoo, kung sino ang nagsasabi.

Q: On Golez and Gonzales:

MAR: Siguro nagkataon lang na dalawang congressman ang nandito ngayon, pero hindi ito kabahagi ng kahit anong plano para patibayin ang hanay ng Partido Liberal sa Kongreso. Naka-focus kami sa May 10, at ang pag-wagi ni Senador Noynoy Aquino sa halalan. Malugod po naming tinatanggap ang suporta ni Congressman Boyet Gonzalez, isang noted na leader sa Mandaluyong, at si Congressman Roilo Golez, isang leader rin po sa Paranaque. Kilalang-kilala, hindi lamang sa kanilang distrito, kundi sa buong bansa. Kaya maganda po, malaki po ang karangalan para sa aming sumanib sila sa’min.

Q: Aren’t you intimidated by the fact that they have more members now, the NP, than the LP?

MAR: Hindi po, they don’t have more members. Nagkaroon po ng technical na pagbilang sa COMELEC. Yan po ang dahilan kung bakit pinilit nila itong ilegal na pagsanib ng NP atsaka NPC. Kung bibilangin po lahat ng mga kandidato ng NP kontra dun sa Liberal, e mas marami po sa Liberal. Nung nakita nila na mas bawas yung kanilang bilang, ay ginawa nila itong pagsanib kuno, ang NP at NPC, na kahit lagpas na ito sa takdang panahon. So nagpapakita ito na talaga namang desperado na at kahit kabaluktutan na, lagpas na sa deadline, pati ang COMELEC ay nagagamit pa dito sa maitim na balakid.

Share this
  • Facebook
  • Twitter
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Tumblr
blog comments powered by Disqus