Press Release

Transcript of ‘Ikaw Na Ba’ Interview with Mike Enriquez of DZBB

Q: Magandang umaga po senador at salamat po at pinaunlakan niyo ko. Nagpapasalamat ako at nakarating kayo talaga.

MAR: Magandang umaga po sa ating mga taga-pakinig. Laking tuwa ko naman talaga na makabisita dito sa inyong himpilan at hindi ko naman talaga papalipasin itong pagkakataon na makabisita sa inyo at makainom ng inyong masarap na kape.

Q: Salamat po. Senador, sino sa mga kapwa ninyo kandidato ang itinututring niyong matindi niyong katunggali sa pagka-bise president, sa puntong ito Marso 19?

MAR: Hindi ko na iniisip yan Mike dahil napakainit at napakatamis ng pagsalubong at pagtanggap ng mga kababayan natin sa akin at sa aking kasama na si Noynoy Aquino. In fact itong kampanyang ito, Mike, kahapon nasa Ilocandia kami, sa Ilocos Norte, Laoag. Hindi ko talaga maisip na sa buong buhay ko makakakita ako na doon sa Laoag,  sa kalagitnaan ng plaza sa Laoag, yung mga kababayan natin ay nagsilabasan mula sa kanilang mga tahanan, kanilang mga tindahan, sa kanilang pinagtatrabahuhan at kumaway, ngumiti at nagpaabot ng kanilang pag-welcome kay Senador Noynoy at kay Senador Mar. At biruin mo Mike, talagang napaka-kakaiba talaga ang eksenang ito kung san ang mga taga Laoag,  nagla-Laban sign.

Q: Yung letter L sa kamay sa mga daliri nila?

MAR: Yung matuwid, hindi nakadapa.

Q: Baka yung L, Laoag (laughter)

MAR: Hindi yung nakadapa, yung nakatuwid.

Q: Okay, so hindi mo inaasahan ‘yung ganong pagsalubong?

MAR: Oo, siyempre kasi it was the first time na si Senador Noynoy ay napunta nga sa Ilocos Norte, sa buong buhay niya. So nandoon kami, hindi namin inaasahan, meron naman kaming mga supporters doon, pero kahapon talaga sobrang init, sobrang tamis ng pagsalubong at pagtanggap nila sa amin. At nagpapasalamat talaga kami.

Q: Senador anong klaseng bise president kayo magiging?

MAR: Masunurin.

Q: Kanino?

MAR: Sa kay Senador Noynoy Aquino. Inaasahan naman na panalo kami ng sabay dahil ang programa de gobyerno, ‘yung pagpapatuwid ng baluktot, ‘yung pagpapatama sa mali, ay ‘yan naman po ang hinahain ni Senador Noynoy at Senador Mar sa ating bansa

Q: Kung kasi, eto pong panahon na to, alam mo sa dami ng dinaluhan ninyong inrterview, mga forum, mga rally, mga ambush interviews etc. etc., mga programang ganito, marahil siguro naitanong na rin ito: Kung hindi niyo ka-partido ang maging president at kayo ang maging bise president, anong klaseng bise presidente kayo magiging?

MAR: Hindi inaasahan na matatalo si Senador Noynoy, talagang malakas ang kumpiyansa ko…

Q: Ganun kayo ka-kumpiyansa?

MAR: Kumpiyansado po ako.

Q: Ni ayaw ninyong pag-usapan na hindi si Senador Aquino ang susunod na magiging president?

MAR: Hindi ko talaga nai-do-drawing sa kaisipan ko ‘yun e.

Q: anong base nyo dito, ‘yung survey?

MAR: Una survey, pangalawa ‘yung pagtanggap ng mga kababayan natin.

Kahapon nagsimula kami sa Cauayan, Isabela. Umaga ‘yun, mga 8 o 9 am. So, nagsilabasan, malamig-lamig pa yung panahon nun e. Dumating kami sa Tuguegarao mga pananghalian na, lumabas ‘yung mga tao. Grabe, talagang yung mga 20 minutes or 30 minutes, naging 1 hour mahigit yung aming pag-iikot sa mga palengke, sa downtown, sa lahat. Mga estudyante…

Q: So, ‘yun ang basehan ninyo?

MAR: In other words, ‘yung survey ay napapatunayan ng reaksyon ng tao mismo. So talagang inaasahan na mananalo si Senador Noynoy at saka alam naman nating lahat, sawang-sawa na tayo sa kurakot, sawang-sawa na tayo sa pang-aabuso ng gobyerno, sawang-sawa na tayo na ang gobyerno ay hindi natin kakampi — kakampi ng mga makapangyarihan na gustong magpatuloy ng kanilang pagreyna-reyna dito sa atin.

Q: So, inuulit-ulit ninyo ni Senador Aquino, Senador Mar na sa ilalim ng inyong administrasyon walang kurakot. Walang kurakot kung walang mahirap?

MAR: Tama po ‘yun.

Q: Kung walang kurakot, walang mahirap, okay. Kayo ni Senador Noynoy, hindi kayo corrupt, yung mga kapwa ninyo kandidato sa Liberal hindi corrupt?

MAR: Salamat, Mike.

Q: Ang kaso nandun pa rin yung mga corrupt na pulis, yung mga corrupt sa DPWH, yung mga corrupt sa BIR…

MAR: Sa customs.

Q: Yung mga corrupt sa Customs, yung mga corrupt na mangongotong diyan sa EDSA, ano pong gagawin ninyo sa mga iyon? Hindi naman puwedeng kayo lang sa nasa itaas ang hindi corrupt?

MAR: Alam mo, Kuya Mike, may kasabihan tayo, ganito yan, may kasabihan tayo na ‘yung isda nabubulok mula sa ulo. Kung matino ‘yung uluhan, ‘yung pamunuan di ba, madidisiplina mo na ‘yun. Papaano mo madidisiplina ‘yun, papaano didisiplinahin ‘yan kung kasabwat ka, di ho ba? So ‘yung malinis, ‘yung matuwid na pamamahala, magsisimula sa pamunuan ‘yan. Si Senador Noynoy, naging anak ng dating pangulo, anak ng dakilang bayani natin na si Ninoy Aquino. Ni minsan wala tayong nadidinig na istorya na nag-hari-hari, nag-siga-siga, pinagsamantalahan ang kanyang posisyon. Naging congressman, naging senador, hindi po siya mapang-abusong tao. Sina Senador Mar Roxas, Senador Noynoy Aquino, kahit minsan hindi nadapuan ‘yung pangalan namin ng kahit na anong anomaly. Ikaw na nga ang nagsabi na hindi kami corrupt…

Q: Ang sinasabi ko po, halimbawa hindi kayo corrupt pero yung mga nasa ilalim corrupt naman? Ang sinasabi ninyo ba Senador, madidisiplina niyo ‘yan, dapat kayo lang ang hindi corrupt?

MAR: Hindi. Diyan po magsisimula ‘yan, Mike.

Q: Tapos, paano niyo tatapusin?

MAR: Siyempre didisiplinahin ‘yung burukrasya. Didisiplinahin mo ngayon ‘yung mga congressman, mga governor, yung mga mapang-abuso di ba. Ang punto po dito, kung wala kang kinatatakuktan dahil hindi ka kasabwat sa kurakot, eh di hayag ang pamamahala,  madidisiplina mo. Bibigyan kita ng halimbawa.

Itong sa ZTE yung kasalukuyang administrasyon, sinikreto yung deliberasyon ng NEDA. Bakit nila isinikreto ‘yan at paano nila napag-desisyunan na ituloy itong ZTE na kontratang ito? Kung hindi ka kasabwat sa kahit anong anomalya, ihahayag mo ‘yan, malalaman ng media, malalaman ng sambayanan, lahat ng basehan at desisyon sa bawat pagkakataon. So ang punto po dito ay magsisimula sa itaas yung pagpapatuwid ng pamamahala dito.

Q: Senador 53-anyos kayo ngayon at mag-54 kayo sa Mayo 13?

MAR: Hindi po, 1957 ako, so sa 2010 mag-53 ako, tuma-tumawad ako ng isang taon.

Q: I’m sorry nagkamali po ako. So 53-anyos pa lang kayo sa Mayo 13. Gusto nyo pa bang maging presidente ng Pilipinas?

MAR: Malayo masyado ‘yung another 6 years. Hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari sa loob ng anim na taon.

Q: Pagkatapos po ng anim na taon kung sino man ang lalabas na presidente sa Mayo, hindi na presidente?

MAR: Tama ho iyon. So hindi talaga natin masasabi kung ano ang takbo ng landas. Anim na taon, napakahaba po niyan. Ang punto po dito, ang pangarap ko sa buhay ko — na ang anak ko ang pamilya ko, mga classmates ko, kamag-anak ko, ikaw,  kaibigan ko – Sasabihin: ‘Yan si Mar Roxas matinong tao ‘yan, nakatulong sa bansa natin. Ngayon kung nakatulong ako at hanggang doon na lang ang landas ko, di okay na rin ‘yun, nakapag-boundary na ko. Kung makakatulong pa ko sa darating na anim na taon, okay din lang. Pero masyadong malayo na ‘yun. Kung minsan, kung masyadong malayo ang paningin ay madadapa tayo sa batu-batuhan dito. So ang punto po rito ay makatulong ka ngayon, maibangon natin ang ating bansa. Itong punto na ito sa buhay ko na may pagkakataon akong makatulong sa pagbangon ng bansa natin ay gagawin ko ang lahat.

Q: Okay. Sinasabi mo kanina na kumpiyansa kayo ni Senador Aquino na kayo na nga, o siya na nga, ang susunod na magiging presidente at kayo ang susunod na magiging bise presidente. Ano po, kung meron na kayong pinag-usapan, kung wala naman, ano po ang inyong napupusuan na magiging papel ninyo kung kayo na nga ba ang administrasyong Aquino at Roxas? Ano po, may departamento ba sa gobyerno, may puwesto ba, may tungkulin ba o trabaho o adbokasiya na gusto ninyong pagtuunan ng pansin bilang bise presidente?

MAR: Mike, ang totoo niyan, hindi pa namin napag-usapan yan. In fact nung kami ay nag-usap, hindi ko hiningi yung pagiging vice president, hindi ko hiningi yung kahit na anong posisyon. Dahil ang sabi ko sa sarili ko, kung magsasakripisyo ka ‘yung wagas na sakripisyo. Ngayon kung gusto ni Senador Noynoy na ikaw pa rin ang maging vice president niya ang sabi ko sa kanya pag-usapan na lang natin matapos akong magparaya sa iyo. So, ganon ang nangyari noon. Ang punto ay, ako naman ay handa. Kung minsan…ikaw naman ay taga — bugsay sa amin, sa Bisaya bugsay ‘yan, sagwan sa Tagalong. Kung minsan ikaw ang taga-sagwan, kung minsan ikaw ang may hawak ng timon, kung minsan ikaw ang taga-tabo. Ang punto dito ay makarating ‘yang baroto (bangka) natin sa paroroonan natin at iyon po ay maaari tayong mamuhay ng marangal ditto sa bansa natin. May pag-asa dito, hindi iyong kailangang maging OFW pa nang ang ating mga kabataan ay makatanggap ng sapat na edukasyon, na ito lamang ang kanilang babaunin sa pandaigdigang kumpetisyon na para sa trabaho, para sa hanapbuhay. Ito naman po ang ating pinapangarap, Mike. Hindi naman natin matatanggi na lumaki ako kumportable, nakatanggap ako ng magandang edukasyon. Ang punto po rito ay ‘yung nangyari sa akin, gusto kong mangyari sa ating mga kababayan din. Hindi naman puwede na matapos makaakyat ka sa hagdanan ay gigibain mo ang hagdanan para ikaw lang ang makaakyat. So para sa akin kung mabibigyan natin ng kanya-kanyang hagdanan ang ating mga kababayan na makaangat naman sila sa kanilang pamumuhay ng kanilang pamilya, why not.

Q: Papaano nyo po gagawin yan bilang bise president ho?

MAR: Tutulong ho tayo…

Q: Excuse me, Senador. May kapangyarihan ba ang bise president? Ang president alam naman natin, di ba ho halos lahat na yata ng bagay sa gobyerno kailangan aprubado ng presidente ng Pilipinas, kahit sino man ‘yun….

MAR: Tama ‘yun.

Q: Ano ba ang papel ng bise presidente bukod sa maghintay lamang na may mangyari don sa presidente? Parang reserba o gulong?

MAR: Napakahalaga po ng role ng bise presidente dahil ang bise president nakatanggap din ng mandato, separate na mandato, mula sa taumbayan. Maaari na siya ang magiging tagapaghatid ng mga priorities, maaring siya ang maging tulay para sa mga hinaing ng ating mga kababayan na hindi nadidinig ng pangulo dahil bina-block ng mga secretary. Maaring siya mismo ang maging point man ng pangulo kung may krisis man o kung may dapat na atupagin. Kung meron priority talaga ang pangulo, siya uutusan dun para gawin ‘yun. So makapangyarihan po ang bise president. Tama ho kayo na yung aktuwal na trabaho ay dapat i-assign sa kanya ng pangulo. Kung hindi siya bigyan ng kahit na anong tanggapan o kahit na anong trabaho.

Q: Naka-relaks lang siya diyan…

MAR: Hindi po relaks dahil may sarili siyang mandato. Iniutos ng sambayan sa bise presidente na pumunta ka d’yan, gusto naming ikaw ang maging bise presidente ng sa gayon ay meron din kaming tulay, meron din kaming pamamaraan na maipaabot ang aming hinaing.

Q: Sa record n’yo po sa senado…

MAR: Itutuloy ko lang..

Q:  I’m sorry, akala ko tapos na kayo. sige po.

MAR: Malaking pagkakaiba ng sistema natin sa Amerika. Sa Amerika block voting, ang nakatanggap ng mandato yung pangulo kasi kung sino ang pangulo automatic ‘yung kanyang running-mate, siya ‘yung bise presidente, automatic ‘yun, siya ‘yung nakatanggap ng mandato. Dito sa atin ang pangalawang pangulo ay nakatanggap din ng mandato kaya napakahalaga na hindi s’ya magrelaks-relaks, hindi siya ‘yung parang spare tire lang na nandu’n sa trunk ng kotse, nag-aantay lang…

Q: Reserba?

MAR: Hindi po, nakatanggap siya ng mandato. Nakatanggap siya ng mandato,  magtrabaho siya, gampanan niya. Kung ako iyon, ang pananaw ko sa trabaho na pinapangarap ko may mandato, taga-hatid ng tinig ng kababayan natin, tagagawa ng mga specific na …

Q: Magandang paghahanda ‘yan sa pagiging presidente, senador. Kung sinuman ang bise presidente ganyan ang papel, masasanay siya dahil malalaman niya ang mga problema, malalaman niya yung mga dapat pagtuunan ng pansin, malamaman niya kung ano ang prioridad, malalaman niya yung mga pasikot-sikot sa gobyerno. Anim na taon na ganyan, hinog na hinog at handang-handa na ang kahit sinuman magging susunod na presidente sa 2016.

MAR: Maraming salamat Mike.

Q: Bakit kayo nagpapasalamat?

MAR: Titingnan natin kung ano ang mangyayari sa loob ng anim na taon. Pero Mike tingnan natin sa lahat ng katunggali natin…

Q: ‘Di ba Senador kasi sayang lang ang karanasan na ‘yan. Hindi lang kayo ang kausap namin dito, kahit sino naman ang nasa lugar n’yo di ba?

MAR: Pero ito ho ang totoo. Sa lahat na katunggali ko sa pagkabise-presidente, isa lang yata d’yan ang nakahawak ng executive position sa Gabinete.

Q: Si Mayor Binay?

MAR: Hindi po.

Q: Sa Gabinete pala ang tinutukoy n’yo. Sino ‘yun, sino ‘yun senador? Okay, sorry ayaw…

MAR: Taga- Capiz ‘ata yon, a.

Q: Si Secretary Teodoro. Hindi, bise president naman yan…Gabinete?

MAR: So isa lang naman po d’yan ang nakapagsilbi bilang congressman. Isa lang naman po d’yan ang nakapagsilbi bilang secretary ng Gabinete. Isa lang naman po d’yan ang nakipag-negotiate sa ngalan ng bansa natin sa WTO, ipinaglaban ang interes natin sa WTO, na nakipagtunggalian sa iba pang trade ministers ng ibang bansa. Isa lang naman po d’yan ang nahalal bilang senador…

Q: Anong unang letra ng unang pangalan niya?

MAR: Parang M as in Mike.

Q: Anong unang letra ng apelyido niya? Baka mawalan pa ako ng career dito, sayang lang ang pinaghirapan ko. So sinasabi nyo, ituloy natin ang usapan…

MAR: Isa lang naman po d’yan ang naging arkitekto halimbawa ng BPO. Nung ako nagsimula bilang Trade secretary wala naman ‘yang call center, call center na ‘yan. Ang pangulo nu’n was Pangulong Erap. Nirekrut n’ya ako sa Gabinete niya, sabi niya ‘tulungan mo ko rito maglikha ng trabaho. So, ano ngayon ang naiisip mo?’ So, sabi ko, ‘Sir pinag-aralan ko at nakita ko na sa Carribean, sa India, sa Ireland, ‘yung call center, BPO, talagang ‘yung mga kabataan nila nakakahanap ng trabaho du’n. Walang dahilan kung bakit hindi natin madala dito yan.’ So, nagsimula ‘yan sa zero. Nu’ng ako ay DTI, gumawa tayo ng plano, iminarket natin ‘yan sa mundo. In-invite natin itong mga malalaking kumpanya, yung mga Sykes, Convergys, People Support, Teleperformance, lahat yan dumaan sa akin nung DTI ako. Ipinakita ko sa kanila ‘yung ating mga incentives. Ipinakita ko sa kanila ‘yung kalidad ng ating mga graduate. Tinour ko sila sa FEU, UST, La Salle, Ateneo, lahat po ‘yan ipinakita ko sa kanila…

Q: Ang sinasabi n’yo, itong pag-usbong o pagsulpot ng mga call center nag-umpisa ito nu’ng panunungkulan n’yo bilang sekretarya ng DTI?

MAR: Hindi ko naman ikinahihiya po yan.

Q: Senador hindi naman sa kung ano pa man, ito ay nililista n’yo lahat dito sa mga tagapakinig ngayong umaga, ‘yung mga karanasan n’yo sa gobyerno, sa ehekutibo at sa lehislatura. Sa pagiging mambabatas, sa pagiging senador at nung panahon ng pagiging kongresista n’yo ng Capiz. Opo, tama, parang mas may karanasan , parang mas malawak, parang mas malalim at mas malayo ang narating ng karanasan n’yo kesa dun sa kandidato n’yo sa pagka-presidente na si Noynoy Aquino?

MAR: Hindi naman po. Iba naman po ang kakayahan ni Senador Noynoy. Alam n’yo kuya Mike, lahat tayo tinatawag ng Panginoon, tinatawag ng hamon ng panahon sa ibat-ibang trabaho, sa ibat-ibang role at ako naman ay buong-buo ang loob ko sa suporta kay Senador Noynoy. Para sa akin, taglay niya ang isa sa pinakamahalagang katangian sa pagka-pangulo, ‘yung tinatawag kong self-denial. Ibig sabihin na siya mismo ang mag-didisiplina sa sarili niya. Alam mo Mike, nakakita na ako ng dalawang pangulo di ba. ‘Pag nakaabot ka na d’yan sa pangulo, wala nang humihindi sa ‘yo, wala nang magsasabing mali ka. Wala nang magsasabing itigil mo ‘yan. Kaya napakahalaga…

Q: Kaya ‘yung mga nakapaligid, kung hindi man lahat palakpak lang ng palakpak, tungo lang ng tungo, sabi lang ng sabi ‘ang galing n’yo, tama yan.’

MAR: Ngayon nakikita ko kay Senador Noynoy na siya mismo, siya ‘yung may disiplina sa sarili niya, na tatanggihan niya ang sarili niya, tatanggihan niya ang interes niya at iuuna ang kapakanan ng tao, ng nakakarami. Sa’n ka nakakita na anak ng pangulo, binata pa siya n’on, batang-bata pa siya n’on. Ngayon ang mayor, congressman, anak ng mga mayor, anak ng mga congressman, siga-siga, hari-hari. Si Senador Noynoy responsableng tao, hindi pinagsamantalahan ang kanyang posisyon. Si Senador Noynoy nakita naman natin, in fact, inaalay ang kanyang buhay para sa ating demokrasya. Hanggang ngayon Mike, may bala dito sa leeg ‘yan si Senador Noynoy dahil ipinagtanggol niya ‘yung demokrasya.

Q: Nung panahon ng mga coup?

MAR: Nu’ng panahon ng mga coup, so nakikita ko sa kanya…

Q: Pero hindi naman niya madisiplina..,nu’ng nandito siya tinanong ko siya, na-dyaryo pa nga yun. Yung picture ng Inquirer, mga gano’n. Tinanong ko siya kung naninigarilyo pa siya, kung ititigil niya yung sigarilyo n’ya. Eh, sa sarili niya hindi niya madisiplina, senador hindi sa ano pa man…

MAR: Pero yung sigarilyo naman yun, pangalawa e…

Q: Opo, opo, hindi naman, pero siyempre concerned ika nga sa wikang Ingles ang kalusugan ng presdiente at bise presidente. Alam ko kayo nag-eehersisyo kayo. Kitang-kita ‘yan ng dalawang mata ko. O, hindi ba? Nag-eehersisyo pa ba kayo?

MAR: Kung hiyang na hiyang lang ako Mike, dahil lamang may nag-aalaga sa ‘kin, yun lang ang dahilan. Hindi na sa ehersisyo yun, hindi na sa…

Q: Tsk, tsk, naunahan pa ko. Mamaya na yun…Ba’t hindi n’yo naisama? sayang nga no! Sana pala nasabihan natin isama si Korina, pati siya mag-interbyu sa inyo.

MAR: Hindi n’yo inimbita.

Q: Nakalimutan eh.

MAR: Yung Kapamilya, yung Kapuso okay yon, wag lang kasabwat.

Q: Opo, tama. Para sa bayan wala ng Kapamilya, wala ng Kapuso… Senador nagsisisi ba kayo sa desisyon na magparaya? Anong pakiramdam n’yo sa puntong ito nu’ng pagbibigay daan nyo kay Senador Aquino na siyang maging kandidato sa pagka-presidente imbes na kayo?

MAR: Mike maluwag na maluwag ang kalooban ko. Tahimik ang kalooban ko, walang pagsisisi, hindi ko made-deny. Alam naman ng kababayan natin dumalo ako dito sa inyo. pumunta pa nga ako dun sa programa ng Channel 7, GMA7, bilang presidentiable. So pinangarap ko maging pangulo bilang kasangkapan, bilang pamamaraan para makatulong sa ating bansa, na maibangon anga ting bansa, yan naman ang aking mga pangarap para sa ating lahat. Pero dumating ang panhon na nakita ko kailangan maging united lahat ng puwersa para sa pagbabago. Naramdaman ko yung init, yung suporta talaga lalong-lalo na nung namatay na nga si Tita Cory. Nakita ko nu’n na talagang masang lakas talaga ang daing para sa pagbabago at yun nakapunto kay Senador Noynoy Aquino. Kapartido ko siya. In fact, siya yung pinakamalaking supporter ko sa loob ng partido ko sa aking pagka-pangulo.

Q: A gano’n ba yun?

MAR: Oo. Ako ang pangulo ng partido siya yung…

Q: Alam ba yan ng taumbayan? Ngayon lang yata yan namin narinig na nung panahon kayo ang, nung mga panahon na gusto ninyong maging kandidato para sa pagka-presidente ang pinakamasugid na taga-suporta ninyo sa loob ng paritdo Liberal, nu’ng hindi pa siya kandidato at hindi pa namamatay ang kanyang ina ay si Senador  Aquino, gano’n ba yon?

MAR: Opo. At saka siya ang executive vice president ko di ba sa partido? Ako yung pangulo, siya yung executive vice president. Magka-team talaga kami, magka-seat mate kami, magka-team kami. At saka yung pananaw namin para sa bansa ay magkaparehas. So, nu’ng dumating ang panahon nakita ko, ako ang nakipag-appointment sa kanya. Ako po yun, hindi yung siya ang humingi na ‘Mar mag-usap tayo.’

Q: Hindi yata masyadong nabalita ito. Ulitin natin, kayo ang nagpunta kay Senador Aquino at sinabi ninyo, ‘Noy ikaw na lang ang tumakbo.’

MARHindi naman sa gano’n.

Q: I’m sorry, sige po senador.

MAR: Sabi ko, ‘Noy mag-usap tayo. Importante na mag-usap tayo.’ So, sinabi ko sa kanya na may bahagi sa aking kalooban bilang nangangarap din na makatulong sa bansa na tatakbo sa pagka-pangulo. Ang sabi ko sa kanya, kung sabi ko ikaw ay mukhang nasa isip mo rin na makakatulong pag-usapan natin. Ito kasi importante hindi magkahati-hati ang puwersa para sa reporma, ang sabi ko sa kanya. So, mga ilang conversation naman ito, hindi lang sa isang upuan. So, over a week, one week or two weeks itong pag-uusap namin na…pero may matinding apat na araw halos sunod-sunod na nag-usap kami, yung sa dulo no’n na sinabi ko na kung handa kang tanggapin na ikaw na ang hahawak ng bandera para sa reporma ‘wag mo kong isipin, sabi ko sa kanya. Para sa akin kahit pa may bahagi sa akin na gusto maging pangulo para makatulong. Mas mahalaga sa akin na marating natin yung gusto nating paroroonan na maibangon natin ang bansa natin, na mailigtas natin ang bansa natin, na mabawi natin ang bansa natin mula sa mga trapo, mula sa mga abusado, mula sa mga nagsasamantalang tao.

Q: Nu’ng panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada miyembro kayo ng gabinete, iniwan n’yo siya?

MAR: Hindi ko siya iniwan.

Q: Okey, nagbitiw kayo, president pa siya.

MAR: Maayos ang relasyon namin ni Pangulong Erap.

Q:  panahon ng administrasyon ni Pangulong Arroyo gano’n din ang nangyari?

MAR: Nag-resign po ako para tumakbo sa pagka-senador.

Q: Sa Senado?

MAR: Opo.

Q: Papano ngayon ‘pag administrasyon, kung ito nga ay matutuloy, administrasyong Aquino at may nakita kayong mga hindi n’yo nagustuhan, gano’n din ba ang gagawin ninyo?

MAR: Hindi. Ang punto ko po ay ako tumatayo dahil may mandato ako sa taumbayan. Nu’ng ako ay senador, nu’ng ako ay nasa gabinete ang boss no’n o ang nagrekrut sa akin ay Pangulong Arroyo. Nu’ng ako ay tumakbo sa pagka-senador ang boss ko ay tao na, sila ang nagbigay sa akin ng mandato. At ang mandato na iyon ay hindi ka magpikit-mata, hindi ka magpikit-bibig, hindi ka magpikit-tenga kung may nakikita kang mali.

Q: Anong pakiramdam ninyo sa mga kumakalat na mga bali-balita na patago ang sinasabi n’yo raw, ang susunod, alam ko narinig n’yo na ito, na ang susunod na magiging presidente si Many Villar hindi si Noynoy Aquino?

MAR: Ano?

Q: Narinig n’yo ba yun?

MAR: Na?

Q: Na mga gano’ng kumakalat-kalat na kayo ang katambal ni Senador Aquino, siya ang presidente kayo ang bise presidente. Pero sa totoo, patago ang paniniwala o ang sinasabi n’yo ang magiging presidente ay si Senador Villar. Narinig n’yo na ba yan?

MAR: Intriga lang yan Mike. Ikaw naman, nakikinig, naniniwala ka sa mga intriga. Malinaw na malinaw na ang pangulo ko ay iisa lang po, si senador Noynoy Aquino. At malinaw na malinaw po iyan, walang kaduda-duda at ako naman ay kumpiyansado. Yang mga nang-iintiriga, gano’n, ay hayaan na lang natin sila Mike. Intindihin na lang natin yung sitwasyon nila na naghahanap sila ng pamamaraan para ma-news o para mapag-usapan. Pero para sa amin, malinaw na malinaw ang aming tambalang Noynoy at Mar ang inihahain ko.

Q: Paano n’yo ginamit yung pork barrel n’yo nu’ng kayo ay kongresista at nung kayo ay senador?

MAR: Nu’ng senador ako halos wala ho akong pork barrel dahil oposisyon ako. Di ba nu’ng nagsimula akong pumuna bilang senador, bumatikos, pumuna sa mga kamalian ng gobyerno ay wala na, wala na akong pork barrel. At gano’n pa man yung pork barrel, yung parati kong nire-recommend bilang amendment sa budget halimbawa, lakihan ang budget ng DOH para makabili ng murang gamot. Halimbawa, lakihan ang budget ng DFA at OWWA para mas lalo nilang madepensahan yung ating mga OFW. By the way, lahat ng inirekomenda ko either pinagbigyan o hindi pinagbigyan pero wala na ho kaming control d’on.

Q: Senador nung nandito po si Senador Aquino, ang kandidato n’yo sa pagka-presidente, tinanong ko rin sa kanya ito ng ganitong ka-direkta, tatanungin ko sa ‘yo. Magkatambal kayo pareho, kayo sa partido liberal, president at bise president. Wala naman kandidato yata o kandidata na walang pangamba. Ang isa pong pangamba tungkol sa inyo ni Senador Aquino ay ang relasyon ninyo sa mga makapangyarihang mga pamilya at mga pangalan sa ating lipunan. Babanggitin ko po ang mga pamilya— Ayala, Lopez—ano po ang pananaw ninyo tungkol d’yan?

MAR: Mike hindi natin made-deny at hindi natin mapipili kung paano tayo isinilang sa mundong ito, kung magkaibigan ang pamilya namin, magkaklase siguro kami sa mga paaralan, magkakilala kami. Pero ang mapipili namin ay kung paano kami mamuhay at nasa track record naming, kuya Mike, ni minsan hindi namin pinaboran kahit sinong interes laban sa interes ng tao. Bigyan kita ng halimbawa kasi nabanggit ang Ayala. Nu’ng ako ay DTI, minsan hindi ko alam kung naalala n’yo ito, nasira yung sistema ng Globe, yung sa cellphone ba. Parang nagkaroon ng cellphone blitz na halos overnight wala silang serbisyo. E, di pinatawan ko sila ng fine, malaking fine, mahigit sa isang daang milyon. So, hindi mo masasabi…

Q: Binayaran ba nila yun?

MAR: Oo, ang fine, hindi sa gobyerno. Sabi ko, ang fine ibalik n’yo sa inyong mga customers dahil naperhuwisyo yung mga customers.

Q: Parang refund?

MAR: Oo.

Q: Parang Meralco, may refund?

MAR: Oo. So, ang punto po dito ay yung track record ko, whether it is yung sa mga banks, sa mga pre-need, sa lahat yan. Kung mali ang ginagawa nila hinahabol ko sila, pinupuna ko sila at hinahabol ko sila. Whether it is DTI ako, nagpasara ako ng isang kumpanya na gumagawa ng sub-standard na tangke sa LPG. Itong sa semento binuksan ko ang competition dahil pinagsasamantalahan nila yung kanilang monopoly power dito, so, binuksan ko yung importasyon para magkaroon ng competition. Mike nung ako ay nasa DTI yung semento, halimbawa P125 ang bawat bag, ngayon P220-230.

Q: Teka muna, yun ba yung panahon na nagkaroon ng kakulangan sa semento? Natatandaan n’yo yung nangyaring yun di ba? Na nagkaroon ng kakulangan ng supply sa semento?

MAR: Ang nangyari nu’n wini-withhold kasi ng big three. Dati-rati kasi Mike maraming may-ari. Dati Filipino ang mga may-ari ng cement companies dito. Ngayon dayuhan na lahat, yung Cemex, yung Holcim at saka yung isa pa. Nu’ng nakita ko na parang kinokontrol nila yung supply para pataasin ang presyo, so, ang ginawa ko binuksan ko ang importasyon, ginawa kong mas madali ang importasyon magmula sa Taiwan, sa Japan at sa iba pa nang sa gano’n ay magkaroon sila ng kompetisyon. Kaya bumaba muli ang presyo ng semento. So, ang track record ko Mike ay sa bawat pagkakataon kinampihan ko yung pangkalahatang interes at hindi yung interes ng kahit na sino lang. Iba naman yung magkaklase kayo, magkaibigan kayo, magkakilala kayo, iba naman yung kakampihan mo sila dahil lamang d’on, hindi po yun. Wala po tayong track record na gano’n.

Q: Bakit hindi n’yo kasama si Korina sa mga.. si Korina tanyag na tao yan sa buong Pilipinas hindi ba? Eh, ngayon si Kris sumasama na kay Senador Noynoy, makikita ba namin na si Korina? Buntis ba si Korina kaya bakit hindi sumasama?

MAR: Naghahanap ka ng scoop ha?

Q: Oo. Siyempre naman yan ang trabaho natin. Eh, nagkaalaman na tayo, ilang buwan na?

MAR: Hindi pa, hindi pa. Minomonitor yun.

Q: O sige, ok. Hindi kasi, natural lang na inaasahan yan ng mga tao, kasi bentahe yon kahit paano hindi natin maitatanggi. Hindi masama yun senador, gano’n talaga ang nangyari sa buhay n’yo, sikat na tao yan…Ba’t hindi namin siya nakikita ‘pag umiikot kayo?

MAR: Umiikot naman siya sa kanyang mga advocacies sa mga womens, sa iba pang mga lugar. Pero …

Q: Malakas po ang hatak niya sa campaign?

MAR: Hindi naman po na sa bawat campaign ay sasama po siya. At kuya Mike iniingatan ko rin ang katangian ni Korina, tulad n’yo, broadcast journalist siya, hindi naman siya galing sa entertainment side, nasa journalist side siya. So, hindi ko gusto masyado na kasama siya sa masyadong partisan activities.

Q: Pero hindi nyo maitatanggi na kandidato kayo ng isang partido. Sabi n’yo kayo na ni Noynoy ang susunod na presidente at bise presidente?

MAR: Pareho po ang tiwala naming.

Q: Pareho ang tiwala n’yo, base sa survey, base sa nakikita n’yo, ano ang nangyayari kay Korina? O dapat ba siya ang tanungin ko?

MAR: Misis ko pa rin. Kayo naman o, siyempre sana naman ‘no..o yan.

Q: Ang ibig kong sabihin sa kanyang career?

MAR: Well, alam ko hindi naman natin made-deny.

Q: Broadcast journalist hindi ba, tapos ang asawa, bise president ng bayan?

MAR: Palagay ko hindi na po siya pwede mag-news, I mean, iniisip ko lang at alam din niya, tanggap din po niya ito na sakaling palarin po tayo ay mahihirapan na siyang mag-news pa. Of course sasabihin ang mister niya ay nasa mataas na posisyon. So, alam din po niya iyon.

Q: Alam niya iyon, malinaw na sa inyong dalawa yon. So, yung mga naghihintay n’yong tanong, ayun na po iyon. Isang tanong na lang para kay Korina. ‘Pag si Korina ngumingiti kayo. Baka naman ireserba n’yo si Korina sa tinatawag na home stretch?

MAR: Hindi naman sa gano’n, ano pa ba naman ang home stretch? So plus days na lang ito mag-holy week pa. Kahapon lamang Mike nakita ko sa news ng GMA, balita na yung Pulse Asia, nireport ng Pulse Asia  na yours truly ang pinaka-pinagkakatiwalaang kandidato sa ating bansa. So, 70% ang trust rating ko, malapit sa 70-60% plus yung trust rating ni Senador Noynoy, kaming dalawa ang pinagkakatiwalaang kandidato. So, nakakataba naman ng puso na ang ating mga kababayan ay pinagkakatiwalaan kami. So, ang punto ko naman dito ay yung misis ko of course kabahagi ng buhay ko ‘yon, ‘pag naiisip ako ng mga kababayan natin, naiisip din nila ‘yong misis ko. Pero hindi naman kailangan na siya all-out, na nasa parang magiging masyadong partisan, parang gusto ko naman yung misis ko preserbado sa akin.

Q: On the reproductive health bill.  Susuportahan niyo ba ang pamimigay ng libreng condom ng Department of Health kung kayo na ang magiging bise presidente ng Pilipinas?

MAR: Hindi natin made-deny na meron tayong, ‘yung sinasabi ni Sec. Cabral, nagpa-briefing ako, pinakuwento ko sa kanya sa akin ito eh…nag-usap kami tungkol dito sa AIDS. Ang sabi ni Sec. Cabral, ‘yung pagdodoble ng bilang ng mga may AIDS is 1 year. So kung nasa 7,000 ngayon, in one year’s time, 14,000 na ‘yan.

Q: So kada tao, times 2?

MAR: Ganun kabilis. At sabi niya, halimbawa, mahirap na kontrolin ito sa loob bansa natin dahil 8 milyon na Pilipino ang nasa abroad. Ang punto dito, bilang isang health professional, ang sabi ni Sec. Cabral, huwag nating bigyan ng sakit ng ulo ang sarili natin. ‘Yung 7,000 kakayanin natin. ‘Yung 14,000 kakayanin natin. Eh ku ng 28,000 na ‘yan? Kung 56,000 na ‘yan? Kung 116,000 na ‘yan? Ang laking problema na ‘yan para satin. Dahil mahal, sobrang laki ang gagastusin sa bawat pasyente ng AIDS. So para sa kanya, hindi ito para sa birth control, kundi ito ay para sa prevention, sa pag-iwas ng AIDS dito sa bansa natin.

Q: At para sa inyo?

MAR: Okay ito.

Q: ‘Yung pamimigay ng condom?

MAR: Opo.

Q: Gamit ang pondo ng gobyerno?

MAR: Opo. Dahil halimbawa nagka-AIDS ka, pupunta ka ng PGH. Hindi ba pondo din ng gobyerno ang gagamitin dun? Anong kaibahan nun? Ang punto lang dito ay, kung may pagkakataon tayo na iwasan ang isang problema, eh di iwasan na natin.

Dahil natanong mo ‘yung RH, napunta tayo sa AIDS, hindi ho kami RH. Ano po, RP po kami. Responsible Parenthood. Ibig sabihin, unag-una, wala sa bokabularyo nina Senador Noynoy, Senador Mar, ‘yung abortion, o abortifacient, o kahit ano pa pong mga pamamaraan ng abortion. Number 2, naniniwala kami na sa silid, sa pagitan ng mister at misis, silang 2 lang dapat, ang magdesisyon sa kapakanan ng pamilya nila. Pangatlo, ang gobyerno maaari lamang magbigay ng abiso, hindi puwede na manghimasok ang gobyerno, hindi puwede na gobyerno ang masabi na ‘Dapat ganito’… hindi po. Ang aming paniwala po at paninindigan ay, aabisuhan ng gobyerno ang bawat magulang upang sabihin na ‘Ito ang inyong mga responsibilidad kung kayo’y maging magulang na. Pag-aaralin niyo ang mga iyan, pakakainin niyo ang mga ‘yan, ‘yung health ng mga anak ninyo. ‘Yan ang aming mga panindigan po sa Responsible Parenthood na iyan.

Q: Pagbabago ng Konstitusyon?

MAR: Para sa akin ay hindi ang ang Konstitusyon ang problema natin. Alam niyo….apat na taon akong DTI. Alam niyo, ni minsan walang negosyante o mamumuhunan o investors, dayuhan, na lumapit sa akin at nagsabi na ‘Alam niyo, mag-I-invest sana ako diyan pero baguhin niyo muna ang inyong Saligang Batas.’ Pero, ang kanilang mga problema, kinokotongan sila sa Customs, hina-harass sila sa BIR, ‘yung sa immigration – kukuha lang ang kanilang mga executives ay pahihirapan pa sila, mag-extend ng visa. ‘Yung pangongotong ba, ‘yung pangungurakot ba ‘yun ang kanilang mga problema.

Bigyan pa kita ng isang halimbawa. Last year, nag-inaugurate ng isang hundred million – as in, million, million, malaking pera – sa Boracay ang isang Cook group, kaibigan ko yan, ‘yung mayari ng Shangrila…dun sa Boracay. Hindi naman nila pag-aari ang lupa. Ibig sabihin, there is nothing that prevents foreign investors from investing here. ‘Yung mga BPO, ‘yung mga call centers, hindi naman nila sinasabi na baguhin ninyo ang Saligang Batas niyo. Ang punto dito, sa aking pag-aaral, hindi po Saligang Batas o limitasyon ng Saligang Batas ang problema po natin. Ang problema po natin ay iyong tuwid, tapat at wasto na pagpapatupad ng ating mga batas.

Q: Nung kayo ay nasa Senado ay may mga imbestigasyon na pinangunahan po ninyo. Kayo ba ang nanguna dun sa pre-need, ‘yung Celso de los Angeles?

MAR: Opo.

Q: Hanggang ngayon hindi pa nakukulong si Celso de los Angeles. Sabagay, may cancer nga pala. Isa yan sa mga paratang sa Senado, imbestiga ng imbestiga pero wala namang nangyayari…

MAR: Alam mo Mike, isa iyan sa mga dahilan kung bakit ako tumatakbo ako sa pagka-pangalawang pangulo para makabalik sa ehekutibo. Ang trabaho kasi ng Senado, sabihin lang, sa aming pananawa, dapat file-an ito ng kaso. Tapos na ang Senado pagkatapos niyan. DOJ na ang magpa-file ng kaso, pulis na ang aaresto. Eh wala naman kaming kapangyarihan, lalo na kami na nasa oposisyon, na magsabi na gawin niyo ito.

‘Yung si Celso de los Angeles, para sa akin, talagang case closed iyan. Talagang ninakaw niya ang perang ito.

Q: Ibig niyong sabihin, siguradong-sigurado kayo, 100%, na ang perang ito ay ninakaw?

MAR: Nakita natin na magmula sa pondo ng mga pre-need plan holders, pati Meralco dun niya kinukuha, pati sa dry cleaning dun din niya kinukuha.

Q: Sa mga pera ng investors, sa mga pera ng depositors?

MAR: Opo.

Q: Hindi makulong-kulong, hindi katulad ni Madoff dun sa America. Mabilis.

MAR: Oo, isang taon lang kulong na.

Q: Pinarada pa sa media…nakaposas pa.

MAR: Tama ka dun. So, Mike, anong problema natin? Ang problema natin ay iyong tuwid at tapat na pag-i-implement ng ating batas. May batas naman eh. Bakit hindi ginagawa ng DOJ iyan? Bakit hindi posasan ng DOJ iyan?

Q: Bakit?

MAR: Well, malapit siya sa administrasyon ito eh. Naging pangulo ng Mayors’ League ng Bicol ito eh. Maraming natulungang mga pulitiko ito eh. Pero kung ako ‘yun, ikukulong ko ‘yan. By the way, ang kaso niya ay syndicared estafa. Non-bailable po iyan…

Mike, dalhin natin sa very specific, itong kay Celso de los Angeles. Marami kasi iyan kasi pinag-uusapan ang batas eh. Anong sasabihin ng bansa natin, anong iisipin ni Nanay Auring, ito’y isang biktima ni Celso de los Angeles. Buwan-buwanang nagbayad. Taga-Davao ito. Nagbebenta lang ito ng empanada. Pero sa kanyang savings, bumili ito ng plano para iyong kanyang anak, iyong kanyang mga pamangkin, ay makapag-aral. Pre-need plan sa edukasyon. Ngayon ang kanyang pangarap, ang kanyang ipinundar na pawis, luha, nawala na lang, naglaho na parang bula. Bakit? Ang SEC natin hindi binantayan ang kanyang interest. Pinanigan iyong Celso delos Angeles. Bakit? Nakita natin sa Senate hearing natin na isang SEC Commissioner ang nagkaroon ng transaksyon kay Celso delos Angeles. Hindi ko na babanggitin ang pangalan niya kasi namatay na rin po sa sakit. Ang punto po rito, ang gobyerno, imbes na maging kakampi ng tao, lalong-lalo na iyong walang representante, iyong mga umaasa lang na ang gobyerno po-proteksyunan ang kanilang interest, mas pinapanigan ng gobyerno iyong mga malalapit sa puwesto, tulad ni Celso delos Angeles.

Q: Senador, ngayong naririnig tayo sa Pilipinas at sa buong mundo, maipapangako niyo po ba na kung kayo ay magiging bise presidente, hindi na kayo magmumura sa publiko tulad ng ginawa ninyo dun sa rally sa Makati? Ang lutong ng mura niyo run, malinaw na malinaw iyon. Hindi ko na tatanungin ang paliwanag basta nagmura kayo.

MAR: Eto Mike. Hindi naman po tayo perfect. Araw-araw ay humihingi tayo ng tulong sa Diyos, Kung minsan nadadapa tayo, kung minsan lumalabas ‘yung ating saloobin. Kung minsan hindi natin mapigil eh. Lumabas na din ang saloobin ko na talagang…talagang ginagarapal tayo rito. Baka mapamura ako ulit dito. Ang punto ko lang po dito…grabe na.

Tulad na lang nitong nangyari sa Supreme Court. Garapalan na ito, Kuya Mike. Malinaw na Malinaw…ako hindi ako abogado ha. Pero ‘yung pangulo na mismo ng Philippine Bar Association, ‘yung si Atty. Marcelo. Siya mismo ang nagsabi na talagang kabaligtarn ito. Ang linaw-linaw sa Saligang Batas na kung walang vacancy, hindi puwedneg mag-appoint. Pangalawa, ang pangulo – kahit sinong pangulo, hindi personal ito kay GMA – kahit sinong pangulo, hindi na maaaring mag-appoint ng kahit sino sa loob ng 2 buwan bago matapos ang kanyang termino. ‘Yung mga appointment ni Pangulong Ramos, ni-reverse. Dahil nga dito sa prinsipyong ito. Ngayon, binaligtad na naman ito. Hindi ko maunawaan. Wala na ba silang pag-iisip

Q: Teka muna senador…ang tanong ko sa inyo yung pagmumura ninyo….

MAR: Oo.  Kaya dinala ko ito sa Korte Suprema kasi ito ang mga dahilan kung bakit ang kulo na nasa loob ko, talagang kung minsan…nung araw na iyon ay hindi ko napigilan. Balik tayo dun sa araw na iyon…’yung araw na iyon hindi ko napigilan at ang saloobin ko ay lumabas. Humingi naman ako ng paumanhin dun sa mga madre sa harapan. Pero ‘yun talaga ang totoong damdamin ko eh, ‘yung saloobin ko. At ‘yan talaga ang inspirasyon ko, ang pinagmumulan ng kagustuhan ko ituwid ang baluktot dito sa bansa natin. Na I-tama ang mali, na mailagay sa maayos ang ating landas.

Q: Pero siyempre kung bise presidente na kayo, lalong-lalo na sa mga kabataan, isa sa mga sector na nililigawan ng mga kandidato tulad niyo, ang pagmumura ay hindi magandang halimbawa?

MAR: Oo naman. Hindi ko naman dinidepensahan iyong ginawa ko. Ang sinasabi ko lang…araw-araw humihingi tayo ng tulong sa Poong Maykapal para maging mabuting mamamayan.

Q: Hindi po kami nagbalita nito pero kaninang umaga ko lang nakita na hinahamon daw kayo ng debate ni Senadora Legarda?

MAR: Ako, iniintindi ko na lang ang sitwasyon nung aking katunggali. Halimbawa…hindi ko masabi kasi nasa kabilang istasyon ano…pero alam naman niya na may nakatakdang debate sa Linggo. Para que pa ito?

Q: Pero yung debate yata marami kayo, hindi lang ‘yung kayong dalawa?

MAR: Hindi ko alam ang detalye. Organized ng network. Ako naman, mas mabuti na organized ng network na ganun. Kasi lahat ng aking katunggali ay mabibigyan ng pagkakataon. Siya lang ba ang dapat na ….

Q: Dito din sa programang ito isiniwalat ni Senador Legarda na nung pareho kayong nandun kayo sa Senado, kinumbida niyo siya na sumanib na lang…hiningan kayo ng reaksyon ng mga reporter nun. Nangyari ba talaga iyon, Senador?

MAR: Ganito ‘yun. Hindi ba naulila siya?

Q: Dahil dun sa nangyari sa kanila ni Senador Escudero?

MAR: Oo. Di ba nga naulila siya? So, naisip ko na since naulila siya, baka naman puwede niyang suportahan iyong tambalang Noynoy at Mar. Wala namang masama dun. Hindi ko kasi mapaniwalaan, Mike, sa totoo lang, hindi ko mai-drawing sa kaisipan ko na sasanib siya kay Senador Villar. Matapos niyang sabihin lahat ng sinabi niya laban kay Senador Villar. Sa aming mga senador – kay Senador Jamby, kay Senator Pong Biazon, kay Senator Juan Ponce Enrile, sa chief of staff ni Sen. Ponce Enrile – lahat ng sinasabi niya na corrupt daw si Villar. Lahat ng sinasabi niya na walang liderato si Villar. Ito sinabi niya sa amin ito. In fact, Mike, pinaghandaan ko ito. Heto ang mga celfone ng mga senador na ito. Tawagan niyo sila kung gusto ninyo. Kung sinabi ba niya o hindi itong mga sinabi ko tungkol kay Senador Villar.

MIKE: Nakasulat po dito sa isang index card na iniabot sa akin ni Senador Roxas ngayong umaga, nakalagay sa pulang letra ang nakasulat, numbers of witnesses that saw/heard LL – for Loren Legarda. Sen. Jamby Madrigal, may telepono ng opisina, pati ang local nito, merong mobile. Tapos, Senador Ping Lacson…paano ko siya tatawagan?

MAR: Hindi iyan ang punto. Ang punto dito, Mike, sinabi ba niya na corrupt si Sen. Villar? Sinabi ba niya o hindi na walang liderato si Sen. Villar? Siya ba ang nanguna sa pagpapatumba bilang Senate President ni Senator Villar o hindi? Tapos, kaya ako, hindi ko talaga maisip na kakampi siya kay Senator Villar. Kaya ko siya inimbita. Inimbita ko siya….

Q: So, talagang inimbita niyo si Senadora Loren Legarda na sumanib sa inyo?

MAR: Well, wala pa namang filing nun eh.

Q: May inalok ba kayo?

MAR: Wala. Anong iaalok ko dun? Baka ‘yun ang nasa isip ng iba. Pero wala akong inaalok.

Q: Wala kayong inaalok kahit na ano, kahit sino?

MAR: Wala

Q: Kahit hindi pera, posisyon? Puwesto? Ganyan sa politika ngayon?

MAR: Wala. Wala po. Wala hong ganun. In fact, siya mismo nagsabi, hindi ba? Na ‘yung mga adviser niya kung ano-ano ang inisip nila. Pero nung tinanggihan niya, nung hindi na siya sumagot, wala na. Eh di tapos na. And by the way, Mike, nangyari ito bago pa ang filing ng certificates.

Q: Bakit ba kayong 2 lang ni Senadora Legarda ang nagsasagutan? Paano ang iyong kandidato?

MAR: Siya lang naman ang tinanong ninyo eh. Ikaw ang nag-bring up ng isyu, sinasagot ko lang ang tanong mo….hayan, tawagan ho ninyo. ‘Yung chief of staff ni Senator Enrile, tawagan po ninyo…

Q: Eto po, nandito nga ang phone number niya.

MAR: Iyan, tawagan ninyo si Atty. Gigi Reyes. O tawagan niyo si Sen. Ponce Enrile para malaman ninyo kung ano ang totoo…

Q: Okay po. Itong isyu ng Mindanao. Bihasa ba kayo sa nangyari sa Mindanao, senator? Kasi Bisaya kayo…

MAR: Damong Ilonggo didto sa Davao, sa Polomolok… (not understandable, Mike and SMAR talking at the same time…)…so para sa ka-Mindanao-an, ang pinaka number 1 na problema ng Mindanao ay iyong usaping pangkapayapaan. Kasi iyong gulo dun ngayon, bombahan….

Q: Excuse me po…wala pa pong administrasyon na nakakalutas sa problema sa Mindanao?

MAR: Pero hindi ibig sabihin na wala na itong kaligtasan.

Q: Aba, meron…yun lang nga hindi natin iyan alam.

MAR: Iyan ang prinsipyo na gagamitin ng tambalang Senador Noynoy at Mar. Unang-una, malawakang, hayag na konsultasyon sa lahat ng panig. Hindi katulad ng nangyari itong MOA-AD ng gobyerno at ng MILF. Tapos, kinomit na ang buong pamayanan sa isang sikreto. Aba, hindi puwede iyon. Paano kayo magkakaroon ng kasunduan na sakop ang buong bansang Pilipinas ng hindi naman alam kung ano ang kasunduan? Hindi puwede iyon. Kailangan talaga na malaya, hayag na konsultasyon sa lahat ng mga sector, lalo na ang mga nakatira sa Mindanao. Hindi natin maibabalik sa 1920s o 1930s ang Mindanao, nandito na tayo sa 2010. May mga Kristiyano, Lumad at Muslim na ang nakatira diyan. So hanapan natin ng paraan para malutas natin ang kanilang hidwaan.

Q: Problema sa krimen, Droga, smuggling, illegal logging, loose firearms…iligal na sugal. Nung kayo ang kongresista sa Capiz, may masiao ba sa inyo? Sa Luzon, jueteng eh. Sa Visayas, masiao eh…

MAR: Wala. Kasi ako ay anti-jueteng, anti-masiao, anti-illegal gambling. Para sakin, dito sa Pagcor, legal gambling yan eh. Dapat ang gobyerno hindi promotor ng gambling, maging regulator lamang. May kaibahan ‘yan. Kasi ang Pagcor ngayon, sila mismo ang kapitalista sa sugal. Sa palagay ko, hindi naman yata tama na ang gobyerno mismo ang promotor ng gambling dito sa bansa natin.

Q: ‘Yung PCSO?

MAR: Iba naman po iyon. Ang punto dito, ‘yung PCSO, kung maaaring I-privatize iyan, eh di I-privatize na rin. Ang akin lang, gobyerno, regulator – siguraduhin na pantay ang laban, na kung tumaya ka man diyan, halimbawa sa PCSO, na nasa tama ang pagpili ng numero. ‘Yun ang, kumbaga sa palengke, sinisiguro natin na tama ‘yung timbang, ganun din po, ‘yung gobyerno sisiguruhin na tama ang pagpili ng numero. Hindi na ‘yung gobyerno mismo ang promotor ng pagsusugal dito sa bansa natin.

Q: Tungkol po sa survey-survey. Kayo po, komportable ang lamang ninyo sa mga kalaban ninyo sa susunod sa inyo sa survey. Pero sa pagka-presidente, yung dating lamang ni Senador Aquino kay Senador Villar ay lumiit na ngayon. Lumalabas, na halos patas na sila. Mentras nung una, mas malaki ‘yung lamang. Hindi ba nababahala ang partido niyo dito? Hindi lang kayo ha, ang tanong ko partido ninyo, yung Partido Liberal. .

MAR: Kaya kinakampanya natin, kaya umiikot si Senador Noynoy, para ma-I-prisinta ‘yung kanyang plataporma nang sa gayon ay malamang ng tao kung ano talaga ang paninindigan niya dito sa mga isyu na ito.

By the way, sinabi ninyo na halos pantay. Oo, lumapit na. Pero si Senador Noynoy pa rin ang nananalo, ang nangunguna. Pati ‘yung Mahar Mangahas na mismo ang nagsabi, pinawalang-bale niya ang sinasabing patas na. Hindi po. Lamang po si Senador Noynoy. Mas mahigpit nga lamang po ang laban, pero lamang pa rin ho siya.

Q: ‘Yung ibang kandidato kapag tinatanong ko tungkol sa mga survey, ang kanilang mga sinasabi, ‘Survey, nababayaran eh, nabibili ‘yan eh.’ O kaya, kung ikaw ang nagpa-survey, ikaw ang lalabas diyan na lamang. Si Senador Aquino, dun sa forum namin dun sa Zobel – dun sa kilalanin – ang sabi po ni Senador Aquino, ang survey nabibili sa Quiapo….

MAR: Pinaliwanag na po niya iyan.

Q: Opo. In fairness, naipaliwanag na nga po niya ito. Hindi ko alam kung tatanungin ko kayo, kung naniniwala kayo, kasi lamang kayo sa survey eh. Pero sige para marinig ng ating mga taga-pakinig. Ano ba ang pananaw niyo dito?

MAR: Ganito na lang, ‘yung mga may duda sa survey, ang isyu nila nasa SWS at nasa Pulse Asia. Kung tapat ba ang mga ahensiyang ito, kung matuwid, sila na ang mag-usap. Kung may pagdududa. Halimbawa, isang kandidato ang magsasabi na mali naman ang survey na iyan, or hao siao, eh di ang isyu niya dun sa Pulse o kaya dun sa SWS….palagay ko naman itong mga kumpanyang ito, hindi naman nila isasakripisyo ang kanilang reputasyon, ang kanilang kredibilidad…

Q: Senador, bukas ba kayo… kasi isa sa pinakamatinding problema ng Pilipinas ay ‘yung pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Bukas po ba kayo ni Senador Aquino, kung kayo na ba ang susunod na presidente at bise presidente, na buksan ang pinto ng gobyerno sa mga katunggali niyo sa politika?

MAR: Opo.

Q: Sa Gabinete, sa iba’t-ibang departamento, sa adbokasiya, sa iba’t-ibang proyekto…

MAR: Opo. Hindi lang po si Senador Roxas ang nagsasabi niyan, si Senador Noynoy ay bukas din po. Alam ko ang kanyang puso, alam ko ang kanyang plano….

Q: Senador, ang sinasabi ninyo, kung ang lalabas sa Mayo 10 ay administrasyong Aquino-Roxas, makakakita kami ng mukha sa gobyerno, sa pangangasiwa sa gobyerno, ng hindi lang ‘yung mga nakapaligid sa inyo ngayon…

MAR: Oo naman. Sa dami ng problema natin, sa laki ng problema natin, gamitin natin lahat ng mga mauutak, mahuhusay, matuwid na mga Pilipino para maisulong naman natin ang ating bansa. Kawawang-kawawa na tayo.

Mike, nabanggit mo kanina nung magsimula tayo, 52 na ako. Nung ako’y isinilang, ang ating bansa ay number 1 sa Asya, kinaiinggitan tayo. Ngayon, nalagpasan na tayo ng Thailand, nalagpasan na tayo ng Indonesia, ng Malaysia, nalagpasan na tayo ng ating mga kapitbahay na bansa. Sa iilang taon, maraming nagsasabi, lalagpasan na rin tayo ng Vietnam. Isipin mo, Vietnam…dumaan iyan sa giyera, magmula Prances, Amerikano, nagka-peace time lang iyan 1972. Biro mo lalagpasan tayo ng Vietnam. Para sa akin, ito naman talaga ang pinakamalaking hamon na hinaharap natin.

Ang Pilipino may pag-asa lang kung nakakapag-abroad siya. Ang Pilipino, ang kanyang sedula, ang kanyang birth certificate, hindi kasing-halaga kesa sa kanyang passport kasi sa passport lamang nagkakaroon ng pag-asa. Kaya para sa amin, gusto naman namin at iimbitahin namin, lahat ng mga mahuhusay, matitino, pero matutuwid, para tumutulong-tulong para maibangon naman ang bansa natin.

Share this
  • Facebook
  • Twitter
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Tumblr
  • Genevieve_vogo

    my genoursh?

blog comments powered by Disqus